Home » Page 2
Pinoy jokes
December 26, 2009May pinag manahan
Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano
ANAK: Tay ! Krus! Ang laking krus!
TATAY(Binatukan ang anak): Nakita mo ng krus eh! Lumuhod tayo!”
——————–
Bakit po? | Pinoy Jokes
December 24, 2009Tanung: Bakit karaniwang disenyo ng panty ay bulaklak?
Sagot: Alay sa mga patay na buhok.
Tanung: Eh bakit sa lalaki wala naman?
Sagot: Kasi may kandila ng nakatirik.
——————————-
Gay Beauty Contest:
Host: Kung ikukumpara mo ang iyong ari sa hayop, anu ito?
gay: dinosaur po
host: bakit?
gay: hindi na po nag e-exist
Pinoy Jokes | Kissing Scene
December 23, 2009Habang nasa gitna ng halikan ay napatigil ang boyfrend upang labinggin pa ng husto ang kanyang gf ng sa ganyon ay lalu pang maging mainit ang eksena.
BF: honey,maari ko bang hulaan kung anu ang kinain mo bago tayo napunta sa masidhing eksenang ito?
GF: Sure honey, sweet sweet mo talaga hon, makakaya mong maging manghuhula para lang sakin.
BF: honey, beef steak nuh?
GF: mali… kahapon pa un!.
Unang tala ng mga Pinoy Jokes
December 22, 2009
3 lalaki hinahabol ng NPA. Naisipan nilang magtago sa loob ng bahay kung saan nakakita sila ng tatlong sako na agad naman nilang pinagtaguan.Sabay ang pagdating ng mga NPA sa bahay. Tinadyakan ang mga sako upang matiyak kung saan nag tago ang tatlo.
Sinipa ang unang sako
Lalaki1: Aw! Aw!
NPA: Aso ito
Sinapa naman ang isa pang sako
Lalaki2: Oink! Oink!
NPA: baboy ito
Sinapa narin ang ikatlong sako
Lalaki3: … … … (walang tunog)
Sinipa pang muli
Lalaki3: … … …(wala paring tunog)
Nilakasan pa ang pag-sipa
Lalaki3: Kulit nio noh, kamote nga ako. May kamote bang nagsasalita!
—————————————————————————————————————————————-
Sa silid aralan. Habang nagtuturo ang maestro ay hindi na nya nakayanan pa ang isang nyang estudyante na talaga namang napaka-gulo.
Guro: oi Juan para kang sperm
Juan: bakit po Sir?
Guro: kasi ang sarap mong palabasin!
Paunang Pagtawa
December 21, 2009Inaalay ko ang blog na ito para sa mga Pilipinong nanatiling masiyahin kahit na sa gitna pa ng kahirapan. Sublit di ko rin naman mapagkakaila na ang lahat ng palatawang Pinoy di pinapalad ng masaya. Kaya nais kong hindi man mawala ay kahit papaano’y maibasan ang kanilang kalungkutan bunga na rin ng mga problemang pinapasan.
Dumudulog din ako sa inyong partisipasyon na kung saan ay maari nyong ibahagi ang inyong mga joke sa amin para sa malawakang pagpapalaganap. Hanggang ngayon ay malaki parin ang pag tingin ko sa luma nating tradisyon na “bayanihan” kaya ng ibigay ninyo sa aking ang oportunidad para maging tulay ng ating pagtutulungan mabahagian ng ngiti ang ating mga kababayan. Maraming salamat po. Mabuhay ang Pinoy!


